Walang insecurity kay Angeline si Sarah!

MAY email kaming natanggap mula kay irenedg2009@yahoo.com sa isyung hindi pagdalo ni Sarah Geronimo sa Star Awards for Music at tanggapin ang pinakamataas na karangalan na Female Recording Artist of The Year.

“The issue that Sarah Geronimo was not able to attend PMPC dahil natakot kay Angeline Quinto is ridiculous. Sino ba si Angeline compared to Sarah?

It is another issue fabricated by the camp of Angeline for publicity.

“I had read in the ____ (name ng isang tabloid) weeks back that there are corrupt people behind Angeline and their objective is to bring down Sarah G. I’m sure they are the people behind the issue. I’m sure some press people was able to read that article. I’ve learned that Executives from ABS-CBN had investigated the issue. And who are those corrupt people.

“For the information of everybody, Sarah G. had a Record Breaker concert in Dubai last weekend. With her were Mark Bautista, Jing Monis, 2 G-Force dancers, sir Jay from Viva, Mommy Divine, Daddy Delfin. It is also the reason why Sarah G. was not in ASAP last Sunday. Nung umalis pa nga si Sarah last Wednesday ay medyo masama pa pakiramdam. I’ll request Dubai chapters to send Video, photos from the concert.

“I hope everything is clear. At sana tigilan na nila panggagamit kay Sarah.”

-0o0-

KAARAWAN ni Jayjay Halterbrand nu’ng October 14, ang basketeer na boyfriend ng sexy/comedienne na si RR Enriquez. Binigyan ng huli nang surprise birthday party ang una. Pero hindi na na-surprise si Jayjay dahil alam niya na ang plano ni RR para sa kanya. Nabasa niya kasi sa phone nito ang mga text messages nito sa mga malalapit sa kanya na inimbitahan ng sexy actress para sa surprise birthday party para sa kanya.

Nagulat si RR nang malaman niyang bistado na pala ni Jayjay ang kanyang plano, pero mas lalo siyang nagulat dahil binigyan din siya ng surprise birthday party ni Jay jay nung gabi ring yun gayung hindi naman sila sabay ng birthday nito. October 19 ang talagang birthdy ni RR. Kumbaga, advance party yun at gusto lang din ni Jayjay na sabay silang mag-celebrate ng kanyang minamahal.

Sobrang na-touch si RR sa surprise birthday party ni Jayjay. Sobra kasi itong nag-effort para lang mapasaya siya. Hiningan ni Jayjay ng birthday messages ang mga dating katrabaho/kasamahan ng sexy actress/host sa defunct show na Wowowee at Banana Split, ganundin ang mga close friends at ang pamilya nito at kanya itong vinideo at pinanood kay RR. Napapanood ngayon si RR sa “Reputasyon” ng ABS-CBN 2.

To RR, happy birthday!!

-0o0-

HABANG sinusulat namin ito ay nakaloloka ang kapalpakan ng www.abs-cbnnews.com sa pag-post ng kumpletong listahan ng winners ng 3rd Star Awards for Music. Sa kanila nagsimula na si Jed Madela ang ka-tie ni Piolo Pascual sa Male Pop Artist of The Year. Isang malaking mali dahil si Gerald Santos ang nanalo. Saan kaya nila nakuha ang report na yan at naging iresponsable sila sa pagbabalita. Sinundan pa ito ng TV Patrol at obvious na dun na-pick up ng isang broadsheet at ilang mga blogs.

Unfair naman sa totoong winner ang nangyayari lalo’t pag mag-Google ka ngayon, may mga blogs na gumaya ng maling info ng www.abs-cbnnews.com.

Sana makorek ito dahil hindi makatarungan na Jed Madela ang lumalabas sa pagre-research mo sa google samantalang si Gerald ang nanalo. Masakit sa isang winner na nililigaw ang pagkanapalo niya.

Sa mga hindi nakakaalam, nanalo si Jed bilang Male Recording Artist of the Year at hindi Male Pop Artist of the Year.

Klaro!!!!

-0o0-

INURIRAT si Sid Lucero at tinanong kung umiwas ba siyang mainterbyu noon ng press dahil may isyu tungkol sa kanya regarding sa pananakit sa tauhan ng hardware.

“Wala naman kasi talagang isyu, e. Sabi lang nila huwag na lang magpainterbyu para huwag ng lumaki. E di iyon, nawala rin,” sey niya.

Hiningan naman siya ng comment tungkol sa mga balitang kesyo mataray at suplada diumano si Marian Rivera. Na-experience ba niya ito habang katrabaho niya sa isang serye?. “Hindi e, hindi, e! Ang dating sa akin yung pagkataray niya sa set, iyon yung paglalambing niya, e. Siguro nami-misinterpret lang yun kasi never akong natarayan sa kanya at all, e. Never, not once.

“In fact siya nga yung umaalalay sa akin, e. Nakakatuwa kasi mas matagal na ako pero…”

At best actor na siya.

“Ang mga award-award, wala naman yan e, walang ibig sabihin, e. Sinabi lang nila na, ‘Uy ang galing ng ginawa mo dito!’

“Hanggang dun lang yun. Pero for someone like this na… wala sa award ang galing ng tao e, o ang galing ng artista. Nasa sensitivity mo sa kapwa mo artista, nasa kaalaman mo kung nasaan ba siya, kung ang utak ba niya e nasa ginagawa niya.

“Kung focused ba siya. At dahil sobrang sensitive niya kaya siya magaling! At hindi lang yun, wala sa utak niya yun.

“May mga times na may mga eksena na topless sila lahat, at kahit siya naka-top na… dati kasi ‘Uy ano please, yung mga hindi kailangan sa set, baka naman puwedeng umalis na kayo, kasi yung iba diyan nakatingin, di ba?’

Kahit raw may damit na si Marian, concerned pa rin daw ang aktres sa mga ibang babaeng talents na naka-topless sa eksena.

“So kahit siya yung nakadamit, kahit yung ibang mga uripon, mga extras, ‘Hindi pa rin kayo kailangan dito. Grabe naman, kahit ba naka-costume na kami, ganun ba iyon? Dahil ba extra lang sila?’

“Lahat talaga pinangangalagaan niya.

“Even yung timing, di ba siyempre naghahabol kami? So siya, ‘Gawin na natin ito para magawa na natin.’

“She really cares for her work, not just for her work but for the entire production’s work.

“And para sa akin wala pa akong nakakatrabahong ganun e, wala pa, wala pa.”

Bukod dito….

“Na may collaboration, na nag-uusap sila, kinakausap niya yung production, yung direktor, yung writer, lahat, may sarili siyang insight na lagi niyang binibigay, para sa ikagaganda ng show.

“Kaya wala talaga akong masabi, wala akong masabi.”

Period!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply