Walang keber kung second choice basta’t may trabaho!

TINANONG ko si Marc Abaya kung bakit parang nag-stay na siya sa GMA-7, matapos siyang magkaroon ng mga magagandang projects sa ABS-CBN?

“I love to work. They (GMA 7 executives) are giving me good projects,” ang diretso nitong sagot. Sa bagong handog na “Daldalita,” isang beterinaryo ang role ni Marc at literal na mga ‘animals’ ang kanyang kaeksena.

“The fact is, ako lang yata among the cast members ang talagang may direct encounter and contact sa isang buhay na animal. Iguana ang alaga ko rito at keri ko naman siya,” pagmamalaki ng aktor-singer.

In real life, oozing with sex appeal ang anak ni Direk Marilou Diaz-Abaya. The fact is tugang, ipinagmamalaki din yun ni Marc dahil lagi daw ganun ang sinasabi sa kanya ng mga nakakasalamuha niya, babae man o bading.

“I am grateful naman. Pero alam ko namang I’m more than that. Kaya nga kinakarir ko ang mga ibinibigay sa aking roles para masabi naman nilang I am serious pagdating sa trabaho,” hirit pa nito.

At dahil tatagurian ding musical show ang Daldalita, asahan daw nating maririnig at mapapanood natin si Marc na kumakanta at sumasayaw sa seryeng ito na nagsimula na kahapon (Oct. 17) sa GMA Telebabad. Ito ang pumalit sa Futbolilits.

Siyempre ang pinakabida ng soap ay si Jillian Ward kasama sina Ogie Alcasid, Manilyn Reynes, Elmo Magalona, Louise delos Reyes, Timmy Cruz, at sina Isabel Oli at Rufa Mae Quinto. Kasama din dito sina Spanky Manikan, Joey Paras, ang paborito rin naming si Arnold Reyes at may cameo role nga rito si Donna Cruz.

***

Si Manilyn Reynes ang pumalit kay Gelli de Belen

SA PAG-EXPIRE kasi ng kontrata ni Gelli sa GMA-7 eh agad siyang natuwa sa alok ng TV5 na mag-host ng isang show, kaya hayun, walang choice ang GMA-7 but to look for a replacement.

“I don’t mind (being a replacement). Ganyan naman ang sistema sa showbiz. Hindi ako offended or what. Kaibigan ko si Gelli at nangyayari naman ang mga ganito sa lahat ng artista. Ang importante, sa’yo napunta ang role at ikaw ang gaganap sa huli,” paliwanag ni Manilyn.

Papel ng isang ‘surrogate mother’ ang role ni Mane sa Daldalita na nagkaroon ng conflict sa character ni Ogie Alcasid bilang ama naman ng madaldal na si Jillian Ward. Kung paanong muling mabubuhay ang love team nilang dalawa kahit sa TV, ay isa sa mga inaasahang highlight ng palabas.

Basta para kay Manilyn, walang second fiddle o karelyebo lang dahil ang bawat aktor ayon sa kanya, “ay may nakatakda talagang gagawin para sa kanya lang. Akin na ito at ang ayusin o pagbutihin ko ang siyang dapat kong problemahin.”

***

PERO how true kaya tugang na tinanggihan din ni Carmina Villaroel ang naturang role dahil after ng drama niyang umeere pa sa Kapuso network ay ‘feel’ naman nitong maging Kapamilya uli?

Yes, hindi sa TV5 pupunta si Mina gaya ng napapabalita at mas lalong hindi ito nakumbinsi ng asawang si Zoren Legazpi na maging kapatid niya sa network.

Kung na-rediscover ni Zoren na may paglalagyan palang show ang pagiging “gutsy and brutally honest and frank niya” eh di dapat pala ay noon pa siya naging showbiz host. Si Mina nga raw ang naging inspirasyon ni Zoren para sumabak sa daldalan sa
TV though very cautious at extra aware si Mina sa pagiging taklesa o sobrang prangka ng asawa sa Paparazzi. Kaya linggo-linggo daw talaga ay nakatutok si Mina para laging guwardiyahan ang matabil na asawa lalo na sa mga bukingan items.

Pero sa lahat ng ito ay super grateful si Mina sa GMA-7 na siya naman talagang unang-una na nagbigay ng break sa asawa bilang isang talk-show host.

At dahil parang nami-miss na rin niya ang magkuda-kuda sa TV, balitang sa ganung programa siya ilalagay ng ABS-CBN, just what her dear friend Gelli de Belen will have in TV5.

Nakaloloka ang mga ganitong rigodon di ba tugang? Si Janice de Belen na utol ni Gelli ay namamayagpag sa “Budoy,” habang ang asawa niyang si Ariel Rivera ay nag-eenjoy din sa paglabas-labas sa mga drama programs ng ABS-CBN.

May mga kapatid-identified artists like Richard Gomez and Lucy Torres na balitang babalik din sa ABS-CBN gaya ni Ms. Susan Roces, whose counterpart Ms. Gloria Romero is with GMA-7 still.

Ang saya-saya naman nila di ba?

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply