Walang kupas ang ganda ni Queenstar Vi!

MAGANDA, masaya at fresh na fresh ang dating ni Queenstar Vilma Santos nang humarap sa media kahapon ng tanghali sa tanggapan ni Sto. Tomas Vice Mayor Armenues Silva. Ipinagdiwang ng naturang bayan bilang pagdakila sa bayaning si Gen. Miguel Malvar at isa ang byuti ng tinaguriang queenstar sa mga imbitado, bukod kina Vice-President Jejomar Binay at Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Asked ko si Ate Vi kung pa’no niyang napapanatili ang freshness niya. Malakas na halakhak ang una niyang sagot then …hinga muna…”Maligaya ako maligayang-maligaya.”

Inspirasyon pala ni Ate Vi, una ang kanyang pamilya, pangalawa aniya ang mga mamamayan ng lalawigan ng Batangas at 3rd, ano pa nga ba di ung pagiging isang napakahusay na aktres. Malakas ang tawanan ng sabihin ni Ate Vi na 37 years old na siya sa papasok na taon ng Nobyembre, buwan ng mga Scorpio.

Pero unang napuna ko, maraming di naniwala at babawi syempre si Ate Vi. “9 years old pa lang ako artista na,” say niya.

Well, amen po, gobernadora.

Maya-maya sabay kumpas ng dalawang kamay ay “Ayoko ng retoke, ayoko!”

“Yung magpapa-injection kuno? Ah, no need,” mataray pa nitong tinuran.

Ay naku, Ate Vi, you’re gonna be the queenstar forever! Oh, me sasagot, joke lang.

Nabanggit din na by 2012 ay mapapanood na ang ginagawa nitong pelikula sa kasalukuyan. “And presently, I’m really, really contented with my life.”

Respetadong-respetado nga naman siya ng buong lalawigan ng Batangas, matulungin, madaling lapitan, etc. Magkaganunpaman, marami pa rin ang gustong sirain ang isang Vilma Santos-Recto pero nananatiling tikom ang kanyang bibig tungkol sa mga ito.

Naku ha! Talaga namang piyesta ang araw ni Gen Malvar. Nu’ng kainan na, hay naku! medyo nawala ang poise ni Ate Vi habang kasalo ng maraming tao.

Gusto ko sana siyang sabihan, Ate Vi, utay-utay (DAHAN-DAHAN) naman. Hahahaha! Joke!

Binanggit din niya, in passing, ang kanyang mga anak na sina Luis Manzano at Christian Recto. Sa pagiging ina raw, she makes the necessary adjustments to her children. “I’m a liberated mom at that’s it!” nakatawa niyang pahayag.

***

NAKAUSAP ko si Maxene Magalona nang maging panauhin ang 24-anyos na aktres sa kaarawan ng isa pa ring aktor at ngayon ay Brgy B.F. Homes Punong Barangay na si Jeremy Marquez.

Presente nu’n ang amang si Joey Marquez na tulad ng dati pagdating sa mga tao ay maganda ang PR nito.

Malaya kaming binigyan ng pagkakataon na mag-usap ng non-showbis na si Neil Arce na artistahin rin ang daing. Kung gugustuhin nga ni Maxine, na kapit-tuko lagi sa kanyang kalbong nobyo, uubra ring mag-showbiz ito.

Totoo nga bang nakahanda na si Maxene na humarap sa kamera sa maseselang tagpo sa pelikula? ‘Ayon sa kanya, sana’y matuloy raw sa lalong madaling panahon ang pagsu-shoot ng isang indie Film kung saan kakaiba at mapaghamon ang kanyang gagampanang role.

Well, go on babe. Sana nga’y mag-push through naman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply