Walang masisibak na casual sa gobyerno –Trillanes

TINIYAK ni Sen. Antonio Trillanes IV na hindi masisibak ang lahat ng casual at contractual sa lahat ng sangay ng pamahalaan sakaling maipasa nang tuluyan ang panukalang bigyan sila ng security of tenure na inaprubahan sa ikalawang pagbasa.

Sa ilalim ng Senate Bill 2875, bibigyan ng   security of tenure ang mga casual at contractual na empleyado na nakapaglingkod na nang di bababa sa limang taon sa national government at 10 taon sa local government unit sa pamamagitan ng pagbigay sa ng “co-terminus with the incumbent” or CTI status.

Pinagsanib na panukala ang Senate Bill 2875   mula sa Senate bills na inihain nina Senador Ramon Revilla, Jr., Francis Pangilinan, Trillanes, Loren Legarda at Jinggoy Ejercito-Estrada at ni dating Senador Miguel Zubiri.

Ipinaliwanag ni Trillanes na ang orihinal na intensyon ng panukala na mabigyan ng civil service eligibility ang mga casual at contractual na empleyado ng gobyerno, ngunit isinaalang-alang ng Committee ang obserbasyon at payo ng Civil Service Commission (CSC).

Naisipan ng mga senador na gawaran sila ng CTI stus upang makamit ang layuning security of tenure sa  saklaw na mangagawa ng gobyerno.

Layunin nito na kilalanin ang serbisyo at sakripisyo ng mga casual at contractual government employees na nakapagsilbi na ng mahabang panahon ng may katapatan, dedikasyon at mahusay na serbisyo sa bansa.

Ang empleyadong sakop ng panukalang batas ay magkakaroon ng sapat na proteksyon laban sa arbitrary termination.  Sila ay pwedeng matanggal lamang kapag may sapat na dahilan o basehan at naayon sa proceso ng batas.

Hindi rin pwedeng buwagin ang kanilang posisyon maliban na lamang kung ito ay binakante na ng incumbent na mangagawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply