Walang palalayaing political prisoners

WALANG aasahang political prisoners na palalayain ng gobyerno kahit pa pinalaya na ng NPA ang pitong bihag na non-combatants.

Matatandaang nitong Sabado ay pinalaya ng mga rebelde ang apat na BJMP personnel habang kahapon sunod naman sina Mayor Henry Dano ng Lingig, Surigao del Sur.

Sinabi ngayon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, napalaya na nila ang mga consultants na malinaw na sakop ng Joint Agreement on Security and Immunity Guarantee (JASIG).

Ayon kay Lacierda, ang ikalawang listahan ng mga NDF consultants na ‘encrypted’ sa diskette na itinago sa The Netherlands ay hindi na mabuksan at hindi maberipika kung talagang sakop ng JASIG.

Ang ibang kinasuhan din umano ay mas gustong tapusin ang kaso sa korte dahil sa paniwalang mapapawalang-sala sila.

Una rito, iginiit ni Bishop Modesto Villasanta sa Bombo Radyo, na mag-reciprocate ang gobyerno na palayain din ang ilang political prisoners para maisakatuparan ang magandang atmosphere na magtuloy tuloy ang peace process.

Inihalimbawa pa ni Bishop Villasanta, convenor din ng grupong Seed for Peace in Mindanao, ang ginawa ng ina ng Pangulong Noynoy Aquino na si dating Pangulong Cory Aquino na nagpalaya din ng mga political prisoners.

Kabilang ang obispo sa tumanggap sa mga BJMP officers sa North Cotabato matapos na ma-turnover ng NPA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply