Walang poot at hinanakit sa puso ni Ms. Susan Roces

WE HAVE but our utmost respect and adoration for Ms. Susan Roces. Her simplicity speaks volume about her good heart, intelligence, beauty and talent. Hindi talaga nagkamali ang kumpanyang RITEMED (brand ng mga gamot) na kunin siyang endorser dahil inang nangangalaga sa kalusugan ng bayan ang aura ng movie queen.

Iba pala talaga ang mga orig at totoong movie queens tugang. Ikaw pa ang mahihiyang magtanong kahit alam mo namang keri niya ang mga intriga at iba pang isyu na kunektado sa kanya.

Gaya na lang halimbawa tungkol kay Lovi Poe. Akala ng marami “big no” kay Manang Inday ang banggitin man lang ito pero sa mahinahon niyang boses tungkol sa posibleng pagtatambal nila, “wala namang kaso. I don’t see any problem basta maganda ang trabaho,” tsika nito.

Tinawag pa niyang ‘kamag-anak’ ang sarili dahil nalibot na niya ang tatlong major networks na Kapamilya, Kapuso at Kapatid. “Babalik ako sa ABS-CBN for a project. I just could not give you details dahil pinag-uusapan pa.”

Nagulat din ang marami nang mag-wish siya ng ‘well’ kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na gaya niya ay may denegerative disease na dala ng pagtanda. “Siya sa leeg, ako naman sa fourth and fifth vertebra. That’s why I also wear brace at iwas sa mga mabibigat na binubuhat at kilos na maliliksi,” paliwanag nito.

Napakapositibo ng pananaw ni Manang Inday at nakatutuwang malaman na sa inihaba na rin ng mga sakripisyo at paghihintay para sa justice sa naging laban ng yumaong asawa nitong si FPJ, ay hinaharap nito ng matatag ang mga isyu.

“Gusto kong ibahagi ang mga nalalabi ko pang panahon sa pagtulong, pagsuporta at pagpapatuloy ng mga magaganda naming gawain o advocacies. Hindi ako nabubuhay para magtanim, mag-alaga o magpanatili ng galit. Mas maraming pagmamahal, mga minamahal at tinutulungan, mas maayos na yun,” pahayag pa ng movie queen na siya ngayong endorser ng RITEMED.

***

KAPWA-URAGON pala ang kauna-unahang Pinoy Biggest Loser winner na si Larry Martin. Sa programa namin noong Linggo sa DZMM teleradyo na CHIZMAX ay nagkuwento ito ng mga plano niyang gawin.

“Disiplina” ang salitang paulit-ulit na sinasabi ni Larry bilang numero unong dapat taglayin ng bawat isang gustong magbago ang buhay. Sandamakmak ang premyong nakuha ni Larry kasama ang isang milyon at condo unit.

Wala siyang planong tirahan ang condo unit dahil nasanay daw siyang magkakasama silang lahat sa iisang lugar at madaling nagkaka-amuyan ng mga kapamilya niya.

At dahil dating pulis, ang PNP na ngayon ang naghihikayat kay Larry na bumalik sa pagpapupulis para magsilbi ding inspirasyon sa mga gaya niyang ‘bardagol at malapad.’

Sa programa para sa health and fitness balak pumasok si Larry sa kanyang pagbabalik-serbisyo though sa ngayon ay asahan nating eenjoy niya for a while ang TV and movie business.

***

NOONG Lunes na nga umere sa ABS-CBN ang ‘Budoy’ ni Gerald Anderson.

As we have said tugang na Pete, maganda ang soap at namumuhunan talaga ng galing sa pag-arte ang bawat isa. Most revealing of course is Gerald Anderson who actually took risk dahil deglamourized siya sa papel niyang mentally-challenged na binata.

Si Leonardo DiCaprio ang nakikita naming ‘peg’ ng acting niya pero sasang-ayon kami kina Janice de Belen at Zsazsa Padilla na group effort din talaga ang lahat.

Napakagagaling ng dalawang aktres, plus si Tirso Cruz lll na nakakaawang nakaiinis rin sa husay, gayundin sina Barbara Perez, Gloria Sevilla, Christian Vasquez at si Mylene Dizon.

May bago po talaga kayong aabangan na makabuluhan at matinong proyekto under Direk Ruel Bayani and company. Mapapanood ang Budoy gabi-gabi pagkatapos ng bongga ding “100 Days To Heaven.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply