Walang puknat na pagkilos kahit may kalamidad

SILIPIN natin ang mga mahahalagang ginagawa ng pamahalaang PNoy.

Trahedya – Noong kasagsagan ng bagyong Pedring at Quiel,  hindi nagpabaya ang gobyernong Aquino na tugunan ang pangangailangan ng mga Filipino na sinalanta ng mga bagyo.

Mas  pinili ni Pangulong Noy na tutukan ang mga pangyayari sa halip na umagaw ng eksena sa media at magpa-pogi.

Gayunman,  binisita rin ni PNoy ang Gitnang Luzon na isa ring tinamaan ng mga bagyo para personal niyang makita ang kondisyon ng mga naapektuhan ng bagyo at tingnan ang rehabilitasyong isasagawa ng mga lokal at pambansang pamahalaan.

Dahil dito ay laging magiging handa ang pagharap ng pamahalaan sa mga susunod na trahedyang posibleng tumama sa bansa.

Nandiyan si DSWD Sec. Dinky Soliman na laging handa sa pamimigay ng 29,000 karagdagang ‘family food packs’ para sa mga biktima ng bagyong Pedring sa Region 3 noong last October 2, 3 at 5.

Si Asst. Sec. Erick Tayag ng DOH ay lagi naman ang pagsasagawa ng mabilis na pagtaya sa lagay ng kalusugan ng mga residente ng binahang mga barangay sa Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac.

Nagdeklara rin ang Pag-IBIG Fund ng tatlong buwang pagsuspinde sa pagbabayad ng housing sa mga apektado ng mga bagyo.

Turismo – Nakumbinse ng gobyernong Aquino ang mga banyaga na bisitahin ang bansa na kung saan ay nakuha ang tinatarget na 2.6 milyong turista mula Enero hanggang Aug. 2011.

Pamumuhunan – Pinuri rin ang gobyernong Aquino sa matagumpay na pagkumbinse sa kompanyang Yokohama na maglagak pa ng $650 milyong pamumuhunan sa pagpapalawak ng kanilang pasilidad sa Clark Economic Zone, Pampanga.

Kamakailan lang ay lumagda ang Clark Development Corporation at Yokohama Tire Philippines Inc. (YTPI) sa memorandum of understanding.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply