Dating MILF commander posibleng napuruhan

INAALAM na ng militar ang posibilidad na napatay sa paglusob ng mga sundalo ang wanted na dating Moro Islamic Libertion Front (MILF) commander na si Waning Abdulsalam na siyang target ng inilunsad na operasyon sa Payao, Zamboanga Sibugay

Ayon kay AFP spokesman Lt. Col. Arnulfo Burgos sa dami ng nagkalat na dugo sa kutang nakubkob ng militar na indikasyon na nagkaroon talaga ng matinding labanan ay posibleng doon napatay si Abdulsalam.

May nakarating aniya sa kanilang report na matinding nasugatan si Abdulsalam sa labanan kaya hindi nila inaalis ang posibilidad na napatay na ang wanted na dating commander ng MILF na responsable sa mga kaso ng kidnapping sa lugar.

Tiniyak ni Burgos na pinaigting pa nila ang pagtugis sa mga sugatang rebelde na nakatakas sa kordon ng militar na pinaniniwalaang nagtatago sa mangrove areas.

Umamin ang militar na hindi pa rin sila sigurado kung patay na o malubhang nasugatan si Abdulsalam matapos ang kanilang deklarasyon na tagumpay ang operasyon laban sa mga renegade na miyembro MILF sa Payao, Zamboanga Sibugay.

Balak aniya nilang ipasuri ang mga hukay sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang masigurong hindi mga armas ang nakalibing dito.

Hihingi rin ng tulong ang militar sa mga Muslim leaders upang hindi malabag ang tradisyon ng mga Muslim. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply