Wanted South Korean inaresto ng BI

INARESTO ng mga pulis at tauhan ng Bureau of Immigration ang isang South Korean na wanted sa multi-milyong won na pangingikil at pamba-blackmail sa Seoul.

Ayon kay BI chief Ricardo David, hiniling ng embahada ng South Korea sa Maynila na maaresto si Shin Un-sun, 37, at maibalik sa kanyang bansa kung saan nag-isyu ang isang central district court  sa Seoul ng warrant para sa kanyang pag-aresto.

Sa ulat ni Bureau intelligence chief Maria Antonnette Bucasas Mangrobang, si Shin umano ay wanted sa Seoul sa pag-hack sa mga computer files ng isang communication firm at pag-download sa personal data ng may 40,000 na customer.

Nagpadala umano si Shin ng mga e-mail si Shin sa mga account ng mga biktima at nagbantang lalabagin ang kanilang privacy kung hindi magbibigay ng salapi na pinadedeposito nito sa bangko sa halagang US$150,000 sa account ng suspek sa tatlong banko sa Maynila.

Hindi naman pinatulan ng mga biktima ang banta ni Shin, kaya’t ang kumpanya naman ang hiningian ni Shin ng 10 milyon won kapalit ng hindi pagbibigay ng mga datos ng mga kostumer nito sa kalabang kumpanya. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply