Warehouse sa Valenzuela nasunog

TINATAYANG milyun-milyong pisong halaga ng mga ari-arian ang pininsala ng apoy nang matupok ang warehouse na pinag-iimbakan ng mga kutson kaninang medaling-araw sa Valenzuela City.

Batay sa ulat ng Valenzuela fire fighting unit, ang sunog ay nagsimula dakong alas-2:20 sa warehouse na nasa No. 9, Jacinto St., Barangay Calumay, Valenzuela City.

Ang sunog ay umabot ng third alarm bago ito idineklarang under control dakong alas-3:26 ng madaling-araw sa tulong ng mga pamatay sunog na dumating mula sa Maynila.

Dahil sa lakas ng apoy ay bumagsak ang bubungan ng warehouse. Wala namang iniulat na nasaktan o namatay sa kaganapan.

Sa kasalukuyan, inaalam pa ng arson investigator ang sanhi ng sunog. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply