Warrant of arrest inilabas vs mag-asawang Ligot

NAGLABAS na ng warrant of arrest makaraang may nakitang probable cause ang 2nd Division ang Court of Appeals sa kasong tax evasion na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban kay dating Military Compltroller Jacinto at Linda Ligot.

Ang warrant of arrest ay kaugnay sa paglabag sa Sec. 254 ng National Internal Revenue Code na isinampa ng BIR.

Batay sa tatlong pahinang resolusyon ng Court of Appeal, makaraan ang ginawang deliberasyon at masusing pag-aaral sa mga dokumentong iprinisinta, mayroon umanong sapat na dahilan para magpalabas ng warrant of arrest laban sa mag-asawang Ligot.

Kinasuhan ang mag-aswa dahil sa kabiguan nilang magbayad ng buwis para sa taong 2002 hanggang 2004.

Aabot umano ang utang sa busiws ng mga Ligot sa halagang P153.2 milyon. P20,000 bawat isa ang inirekomendang piyansa ng Court of Tax Appeal ng 2nd Division para sa mag-asawang Ligot. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply