UPDATE: Warrant of arrest sa mag-asawang Ligot di naisilbi

HINDI naisilbi ang warrant of arrest kina dating military comptroller Jacinto Ligot at misis na si Erlinda makaraang hindi na mahagilap ang dalawa.

Una rito, naglabas ng warrant of arrest ang Court of Tax Appeals (CTA) laban sa mag-asawang Ligot dahil sa kasong may kaugnayan sa hindi pagbabayad ng tamas buwis sa gobyerno.

Pero batay sa kopya ng Return of Warrant of Arrest, nabigo umanong maisilbi ng mga otoridad ang arrest warrant sa mag-asawa sa address, kung saan sinasabing nakatira ang mga ito.

Wala rin umanong record ang korte sa abogado ng mga Ligot dahil wala pa umano itong isinusumiteng pleading.

Sa ngayon ay tinuturing ng CTA na “at large” ang mag-asawang Ligot.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply