Wastong kaalaman sa hipon

MALIIT man ang shrimp o hipon ay napakasarap namang talaga kapag itinransform sa isang dish. Hmmm, nakagugutom.

Alam ba ninyo na ang crustaceans na ito ay maaaring i-serve mainiit man o malamig. At ang hipon rin ay isang popular na seasfood sa United States kasunod ng canned tuna.

May kamahalan nga lamang ang maliit na nilalang na ito. Pero siguradong di naman masasayang ang kada sentimo sa bawat subo mo ng masarap at masustansiyang sea animal na ito.

Ayon sa mga nutritionist, ang hipon ay mahusay na alternatibo sa meat proteins, ang firm, translucent, na flesh ng hilaw na hipon ay may mababang calories at saturated fat.

Health Benefits

Ang shrimp sa food ranking system ay qualified bilang excellent source ng selenium at unusually low-fat, low-calorie protein. Ang four ounce serving ng shrimp ay nagbibigay ng 23.7 grams of protein (ito ay katumbas ng 47.4% ng daily value for protein) para sa 112 calories at less than sa isang gramo ng fat.

Lumalabas rin na mabuting source ng vitamin D at vitamin B12.

Pagbili at pag-imbak ng hipon

1. Bumili sa pinagkakatiwalang tindahan sa palengke o kaya ay sa supermarket.

2. Ang frozen shrimp ay mas matagal ang buhay kaysa sa fresh shrimp. Kung balak na magluto ng hipon agad-agad ay makabubuting bilhin ang fresh, ito ya tumatagal lamang ng hanggang 2 araw. Kung hindi naman agaran ang lulutuin ay frozen ang bilhin na tumatagal ng isang linggo.

3. Ang sariwang hipon ay dapat na may firm body na naka-attached pa sa shell nito. Wala dapat itong black spots sa shell. Huwag ring bilhin ang hipon kung ang shell ay kulay yellow o kaya ay gritty, dahil kapag ganito ang shell ng hipon ibig sabihin ay nilagyan ito ng sodium bisulfate o iba pang kemikal para i-bleach ang shells.

4. Ang amoy ay isang magandang inidicator kung sariwa ba ang shrimp. Sariwa ang shrimp kung ito ay amoy “slightly seawater smell.” Amuyin ito bago bilhin. Kapag masangsang na ang amoy ay huwag bilhin.

5. Pagkabili sa shrimp ay mabuting mailagay ito sa refrigerator agad. Mas makabubuting ilagay ito sa freezer para mas mahaba ang buhay. Ilagay ito sa isang plastic at itago sa freezer.

Easy shrimp recipe

Mga kailangan:
2 lbs shrimp (medium o small)
2 kutsara ng vegetable oil
1/3 cup ng butter
3 kutsara ng lemon juice
1/4 kutsarang asin
1/4 kutsaritang durog na paminta
1 bay leaf na may spicy sauce
3 kutsara ng bawang (crushed)
1/2 kutasara ng basil, dried rosemary at paprika

Isa ito sa maraming recipe ng shrimp na madali nang ihanda, at talaga namang tulo-laway sa sarap at sure na magugustahan ng matatanda at maging ng mga bata.

Procedure
1. Dapat na pakuluan ang hipon sa tubig at balatan ng maayos.

2. Ikalawa ay painitin ang mantika at butter sa isang large fry pan hanggang sa matunaw ang butter. Tapos ay idagdag ang hipon hanggang maging pinkish ang kulay.

3. Ihalo pa ang iba pang sangkap at haluing mabuti. Simmer at haluin ng madalas sa loob ng 3 hanggang 5 minuto. Palamigin sa loob ng 5 minuto.

4. Finally, tanggalain ang hipon at ilagay sa plate, tapos ibuhos ang sauce. Ang Barbecue Shrimp ay ready na para sa tsibugan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply