Watch list order pa vs CGMA inilabas ng DOJ

MULI na namang nagpalabas ng panibagong watch list order (WLO) ang Department of Justice (DOJ) laban kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo at 40 iba pa.

Ang WLO ay may kaugnayan sa imbestigasyon ng DOJ at Commission on Elections (Comelec) hinggil sa sinasabing dayaan noong 2007 elections.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na sakop din ng watch list order si dating first gentleman Mike Arroyo, dating Comelec Chairman Benjamin Abalos, dating Justice Secretary Alberto Agra, dating Comelec Commissioner Nicodemo Ferrer at 31 iba pa.

Epektibo ang watchlist order mula ngayong araw at tatagal ng 60 araw.

Ipinadala na sa Bureau of Immigration (BI) ang kopya ng watchlist order na siya namang magpapatupad ng naturang kautusan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply