Irish boy band Westlife disbanded na

SA KABILA nang matagumpay na concert kamakailan sa bansa, kumpirmadong buwag na ang isa sa pinakasumikat na boy band noon, ang Westlife na binubuo nina Nicky Byrne, Kian Egan, Mark Feehily at Shane Filan.

Mismong ang grupo ang nag-anunsyo ng balita na ikinalungkot ng kanilang fans

Matatandaan na 14 na taong namayagpag ang Westlife at pinagkaguluhan lalo na ng mga kababaihan.

Upang makapagpasalamat sa kanilang fans, naghanda ang grupo ng farewell tour sa Mayo ng susunod na taon.

Labing-apat na kanta ng Westlife ang naging number hits at kabilang dito ang “Swear It Again,” “My Love,” “Flying Without Wings,” “Seasons in the Sun” at “Fool Again.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply