What’s your excuse? Pag may tiyaga…

LAMAN ng halos lahat ng pahayagan ngayon ang pagkamatay ng henyo at bilyonaryong si Steve Jobs na nagtatag ng Apple Computers na may kabuuang pondong US$350 dollars.

Maraming nabigla at kalauna’y humanga sa kanya nang ilabas sa Twitter ang tweet na: “”Steve Jobs was born out of wedlock, put up for adoption at birth, dropped out of college, then changed the world. What’s your excuse?”

Lingid din sa kaalaman ng marami na napakaraming mga popular na personalidad sa mundo ang ipinanganak na dukha, gaya ni Oprah Winfrey na tinaguriang pinakamayamang female media mogul sa mundo ngunit nakaranas ng pang-aabuso nung kanyang kabataan.

Ayon kay Oprah, “There really is nothing more important to me than striving to be a good human being.”

Kung tila mahirap para sa atin ang maka-relate sa mga banyagang ito, let’s get closer to home, so-to-speak.  Heto ang ilang Philippine senators na nakapanayam ko  na naglahad ng hirap na kanilang dinanas at pagsusumikap upang magtagumpay:

Former Senator Juan Flavier – anak ng mag-asawang soap factory worker sa Baguio. Noon kanyang kabataan ay naglalakad siya ng walong kilometro araw-araw papuntang eskwelahan at minsan ay nakayapak lamang dahil walang pambili ng tsinelas.

Former Senator and now Cong. Rodolfo “Pong” Biazon – maagang naulila sa mga magulang at bilang pinakamatanda sa pitong magkakapatid ay itinaguyod ang mga ito sa pamamagitan ng paglalako ng gulay at paglalaba ng damit ng mga kapwa estudyante sa dorm bago nakapasok sa PMA.

Si Senate President Juan Ponce Enrile na anak ng isang labandera; at si Senator Franklin Drilon na anak ng isang magsasaka.

Ilan lamang sila sa mga personalidad ng ating bansa na sa kabila ng kahirapan ay nagsumikap, nagtagumpay at tumulong sa paglago ng ating demokrasya — sa pamamagitan ng sipag, tiyaga at angking talino.

“What’s your excuse?”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply