Winawalis na media sa LTO ipinagtanggol ni Carandang

NANINDIGAN si Presidential secretary Ricky Carandang na hindi dapat alisin ang media office sa Land Transportation Office (LTO).

Ito ay kasunod ng utos ni LTO Chief Virginia Torres na ilipat ang media office sa dati nitong puwesto dahil may bagong mag-oopisina sa inoukupang dopisina ng media sa ahensya.

Sa isang panayam sinabi ni Carandang, isa ring mamamahayg dati, na malaki ang naitutulong ng media sa mabilis na pagpaparating ng mga isyu na nais na maiparating ng gobyerno sa taumbayan

“Mahalaga ang media sa bawat ahensiya ng gobyerno. Malaki ang tulong ng media na maiparating natin sa tao ang nais iparating ng gobyerno sa mabilis na paraan,” sabi ni Carandang.

Naniniwala si Carandang na dapat lamang na kausapin ni Torres ang mga media sa LTO para maayos ang anumang gusot sa pagitan nito at ng mamamahayag sa ahensya.

Una rito, sinabi ni Torres na pinalalayas niya ang LTO Media Center sa ahensya dahil magastos umano ang mga ito sa kuryente, tubig at iba pang supplies.

Niliwanag naman ni Angie dela Cruz, presidente ng LTO Tri Media Association, na hindi magtatambay ang mga media sa LTO kung hindi sila tinawagan ng mga dating namuno sa LTO upang ikober ang ahensya.

Sa katunayan, binigyan pa sila ng opisina para maayos na makapagtrabaho.

“Patuloy kaming mananatiling mata at tainga ng taumbayan para ipabatid sa publiko ang mga nagaganap sa LTO tungo sa malayang pamamamahayag.

Hinala ng mga media na nagko-cover dito na ang mga negatibong report na naibubulgar sa publiko ang ugat ng pagpapalayas ni Torres sa kanila sa LTO. Kabilang na dito ang usapin ng pagkakasangkot ni Torres sa Stradcom take-over, kaso sa Ombudsman at lower court, pati na ang isyu sa Korte Suprema at pangongotong ng mga tauhan sa private emission test centers.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply