With tempting offer from TV5: Martin Nievera lalayasan na ang Dos

MALAKAS man ang bulung-bulungan sa compound ng TV5 na sa malamang ay maging isang Kapatid na rin ang magaling na singer na si Martin Nievera, madiin naman itong pinasubalian ng magaling na singer. Ayon kay Martin, mabigat man sa loob niya na tumanggi sa mga tempting offer, still nanatili raw ang kanyang loyalty sa Dos kung kaya sa ngayon ay wala raw siyang balak na layasan ang Dos.

Magkagayunpaman, may tendency rin na magbago ang ihip ng hangin kay Martin kasi nga wala ng regular show si Martin sa ABS-CBN, maliban sa ASAP kung saan ay pa-guesting -guesting lang ang kanyang eksena. Huling regular show ni Martin sa Dos ay ang “Twist and Shout” nila ni Gary Valenciano at hindi na nasundan ito.

Bukod pa sa tsikang magaganda ang binibigay na offer ng TV5 kay Martin, siyempre knows na natin ang talent fee na very tempting, ang maging host uli sa isang talk show, na isa sa gustung-gustong gawin ni Martin at isang regular musical variety show na malamang ay maging katapat ng “ASAP.” Kilala si Martin sa pagiging isang loyalista. Na kahit noon pa mang nawalan siya ng proyekto sa Dos at hindi pa aktibo ang TV5 sa pagkuha ng talent sa mga malalaking istasyon, ay hindi rin naging regular na Kapuso si Martin, bagkus ay mas ninais niyang mag-stay sa mga show ng Dos.

Ngayon ang tsika, tila nagdadalawang-isip na si Martin dahil matagal-tagal na siyang walang kinikita sa Dos at may offer na nakakalula, hindi kaya madaig ng sikmura ang puso? Bukod pa sa marami-rami nang malalaking lalaking artista ng Dos ang nag-aalisan at lumipat na sa TV5 tulad nina Aga Muhlach, Gabby Concepcion, Dolphy at iba pa.

***

WA KEBER, as in, dedma lang ang byuti ni LJ Reyes kung sakali man ‘magloko’ o maakit sa Kapamilya actress ang ama ng kanyang anak na si Paulo Avelino. Sa isang panayam, madiing sinabi ni LJ na kay Paulo na raw iyon kung magloloko siya dahil pag ginawa niya ito, isa lang daw ang ibig sabihin ng nito, mababaw ang pagmamahal ni Paulo sa kanya at sa kanilang anak. Say pa rin ni LJ, sariling desisyon din naman ni Paulo ang ginawa niyang career move, ang pagtalon ng bakuran mula sa GMA-7 at ngayon nga certified na Kapamilya talent ito.

Samantala, habang abala sa kanyang pagiging ina sa kanilang anak ni Paulo, ay sumisipa naman nang husto ang showbiz career ni LJ. Napansin nang husto ang galing niyang lumabas bilang kontrabida sa kauna-unahang danceserye ng bansa, ang “Time of Your Life.” Hindi naman kaya natatakot si LJ na matype-cast na siyang kontrabida dahilan sa hindi umubra siyang maging bida noon? Ayon kay LJ, okey lang sa kanya maging kontrabida dahil para sa aktres, challenging daw ang ganitong role.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply