World Teacher’s Day

GINUGUNITA ngayong araw sa iba’t ibang parte ng mundo ang World Teacher’s Day.

Hindi magpapahuli ang mga Filipino teacher sa pagdiriwang sa espesyal na araw para sa kanila.

Sa katunayan, ayon kay Kenneth Tirado ng Department of Education (DepEd)-communications unit, nagtipon-tipon ang 3,000 guro mula sa Metro Manila at mga karatig rehiyon sa PhilSports Arena sa Pasig City simula pa kaninang madaling-araw.

Panauhing pandangal sa selebrasyon si Vice-President Jejomar Binay.

Habang isinusulat ito, inaasahan ding magbibigay ng mensahe para sa mga guro sina Education Secretary Armin Luistro, Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) Director General Joel Villanueva at Commission on Higher Education (Ched) Director Patricia Licuanan.

Maliban sa entertainment, highlight din sa selebrasyon ang pagkikitang muli ng pinakamatandang teacher at pinakamatandang estudyante na nasa edad 91 at 82.

Samantala, nais na iparating ng mga guro sa pamahalaan ang kanilang hinaing. Ayon sa gurong si Leonardo Cargullo ng Rehiyon 4-A, nais nilang itaas ang personal emergence relief allowance (PERA) na kasalukuyang nasa P2,000 kada buwan at ang basic pay na P17,000 na kakarumpot lang ang natitira dahil sa mga kaltas.

Happy Teacher’s Day sa lahat ng guro!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply