‘11-11-11’ wag langkapan ng ‘superstitions’

ITO ang payo ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas kaugnay ng paniniwala ng maraming tao na ang naturang petsa ay magandang pagkakataon upang magkamit ng suwerte at yaman.

Gayunman, ayon kay Villegas, sa halip na mag-pokus sa superstitions at secret charms para sa suwerte, mas makabubuti kung isentro ang nasabing araw para kay Hesukristo at bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na makapag-pokus at maglaan ng oras para sa Panginoon.

“We must bring Christ into this day and give the youth a chance to focus on God and not on superstitions and secret charms for luck,” ayon kay Villegas.

Hinikayat din ng arsobispo ang mamamayan na samahan sila sa pagdarasal ng rosaryo sa 11-11-11 para sa kapayapaan sa buong mundo.

Inaasahang pangungunahan ng may 11,000 kabataan ang pagdarasal ng rosaryo para sa world peace, na may temang “Eleven-Eleven-Eleven.”

Idaraos ang event ganap na 11:00 ng umaga sa Nobyembre 11, sa Cathedral of St. John the Evangelist sa Dagupan City.

Ang mga kalahok ay magtitipun-tipon para sa Marian procession mula sa De Venecia Highway sa Dagupan City patungong Dagupan Cathedral kung saan dadasalin ang rosaryo.

Nabatid na ang naturang aktibidad ay bahagi ng isinasagawang rosary prayer campaign na tinatawag na “A Million Roses for the World (AMROW),” na sinimulan noong Oktubre 10 at magtatapos sa Mayo 30, 2012.

Iginiit ni Villegas na ang pagbabago sa buong mundo ay magaganap lamang sa pamamagitan ng pagdarasal.

Aniya pa, hindi magkakaroon ng world peace kung walang panalangin.

1

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply