‘Apo’ ni Sen. Enrile hinoldap ng taxi driver

PINAGHAHANAP ngayon ng mga pulis ang taxi driver at kasamahan nito magnanakaw na bumiktima sa umano’y apo ni Senate President Juan Ponce Enrile Lunes ng umaga, Nobyembre 7.

Batay sa report ng dzBB, nakilala ang biktima na si Achilles Ponce Enrile, 32, na kasalukuyang bineberipika kung ito nga ay apo ni Senador Enrile.

Naganap ang insidente sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) malapit sa annex ng isang mall habang saka yang biktima sa taxi malapit sa Pioneer Street, Mandaluyong City.

Nakatulog umano ang biktima sa biyahe na ginising lang ng taxi driver na noo’y mayroon nang kasamang sakay.

Inutos umano ng dalawang suspek na ibigay ang kaniyang pitaka, iPad tablet, mobile phone, at wedding ring habang nakatutok ang baril sa biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply