‘Di dapat kaawaan si GMA, kundi mga taga-BI

HINDI awa ang tamang dahilan para payagang umalis ng bansa ang dating Pangulong GMA dahil nagsisinungaling ito sa pagsasabing kailangan nang magpagamot siya sa ibang bansa sa kabila ng napakaraming dalubhasang doktor sa Pinas.

Mas dapat pagtuunan ng bayan ang kanilang awa sa mga maliliit na immigration officer sa pangunahing paliparan ng bansa na nahaharap ngayon sa matinding pag-iisip at torete ang mga isip matapos na magbantang ikukulong ng mga bayarang abogado ng kampo ng mga Arroyo.

Posibleng patuloy na ipananakot ng mga ito ang pagkulong sa mga taga-Immigration na sumuway sa kanila.

Sa halos sampung taong paghawak sa poder ng pamahalaan laban sa kanilang kalaban kahit sino ay madadala sa kanila.

SI GMA  AY ‘DI SI ERAP

Si Arroyo ay hindi si Erap.

Paglakarin natin ang dalawa saan mang kalyeng matao.

Tingnan natin kung sino ang lalabas na duguan at sinong hindi.

Bagama’t ginamit nila ang lahat ng instrumento, paraan, pera at makinarya ng pamahalaan na nasa kanilang kontrol para sa simpatiya at suporta para sa dating Pangulo, ‘di ba mabilis na dumausdos ang popularidad nito na naging negative 60?

GINUGULO ANG ISYU

Nais nilang kaladkarin pababa ang isyu na Constitutional Crisis daw ang dulot nito.

Pero sa mga mulat gaya natin na nag-iisip sa mga pangyayari ay hindi tunggalian sa pagitan ng Palasyo at Korte Suprema ang isyu.

Ito’y simpleng pagbabalik lang sa taumbayan ng kanilang karapatang itakda ang uri ng pamumuno sa bansa.

Karapatang ibinabalik lang ni Pang. Noynoy sa taumbayan na matagal nang nasa kamay ng iilang makapangyarihang tao.

Hayagan kasing nilapastangan ng mga ito ang sagradong karapatan ng mamamayang pumili ng nais mamuno.

Kahit ano pa ang isipin nila, basta si PNoy ay itinalaga ng mayorya ng higit sa nakararaming Filipino na maging lider ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply