‘Oplan Angry Bird’ ng Laguna PNP naka-score ng 190

INIULAT ngayon ng Laguna-Philippine National Police na naka-score sila ng 190 pag-aresto simula nang ilunsad ang kampanyang “Oplan Angry Bird” noong Oktubre 18.

Batay sa tala, 99 sa mga naaresto ay sa bisa ng warrant of arrest habang 76 naman ang dahil sa mga kaso ng iligal na droga at 15 ang naaresto dahil sa loose firearms.

Ang “Oplan Angry Bird” ay kampanya ng Laguna PNP laban sa kriminalidad kung saan sabay-sabay na nagpalabas ng mga search warrant at warrant of arrest laban sa mga hinihinalang suspek ng mga krimen.

Kaugnay rin ito ng kampanya ng Police Regional Office Calabarzon (PRO-4A) na “In-plan Wild Cat” at “Oplan Checkmate” na sumasagip naman sa mga nakaw na motorsiklo at riding-in-tandem criminals. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply