‘Shoot policy’ sa Luneta, Intramuros binigyang linaw

MALAYANG kumuha o magpakuha ng kani-kanilang pictures o souvenir photos ang sinuman sa dalawang makasaysayang pasyalan sa Maynila.

Ito ang paglilinaw ng pamunuan ng National Parks Development Committee (NPDC) at Intramuros Administration (IA) sa napabalitang nagpapatupad sila ng “shoot policy.”

Sa magkasamang statement nina NPDC Executive Director Juliet H. Villegas at IA Administrator Jun Capistrano, iginiit nila na tanging ang mga photo shoots para sa mga commercial advertisements, video, infomercials, events katulad ng prenuptial at iba pang commercial production ang inoobliga ng parke na kumuha ng kaukulang permiso mula sa management ng NPDC.

Ayon kina Villegas at Capistrano, walang nagbabawal sa publiko partikular sa mga Pilipino na makapagpakuha sa mga makasaysayang parke at sa katunayan aniya ay mas lalo pa nilang hinihikayat ang publiko na mamasyal sa Luneta at Intramuros at kumuha ng mas marami pang souvenir shots upang maibahagi at maipagmalaki ito sa kanilang mga pamilya at kababayan sa iba’t ibang dako ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply