1 patay, 2 kritikal sa kinaing kabute

NAMATAY ang isang residente at dalawa pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang makakain ng kabute sa Cebu.

Pinaalalahanan ng mga doktor ang publiko tungkol sa pagkain ng kabute matapos nga namatay at isinugod ang magkakapatid na nakaramdam umano ng pananakit ng ulo sa Brgy. Guadalupe sa lungsod ng Carcar sa lalawigan ng Cebu.

Kinilala ang namatay na si Danilo Dayonot, 38-anyos at residente ng naturang lugar habang isinugod naman sa pagamutan ang dalawang kapatid nito na sina Aileen at Renante Dayonot dahil sa pagkahilo.

Ayon sa report, nakuha umano ng biktimang si Danilo ang kabute sa bundok na tumubo sa isang puno at kanilang iniluto at inilahok sa ginisang sardinas.

Ilang oras matapos kainin ang kabute ay nakaramdam ang mga biktima ng panghihina at pangingitim ng katawan.

Agad naman na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang mga magkakapatid pero binawian ng buhay si Danilo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply