1 patay, 2 kritikal sa napraning na kapitbahay

PATAY ang isang lalaki habang kritikal ang dalawa pa matapos pagsasaksakin ng naghurementadong kapitbahay sa Valenzuela City Lunes ng hapon (Nobyembre 21).

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng saksak sa dibdib si Alfredo Minalawaan, 36 at taga-Ugong ng lungsod.

Ginagamot naman sa VGH si Neria Pojarillo, 58 at anak na si Quirino, nasa hustong gulang, sanhi ng mga saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Leandro Ribucas, 22 at kapitbahay ng mga biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng suspek at biktimang si Quirino malapit sa kanilang bahay na nauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Nang makita ni Neria ang pangyayari ay agad na lumapit upang saklolohan ang anak subalit pinagsasaksak din ito ng suspek.

Lumapit na rin si Minalawaan subalit saksak din ang inabot na naging dahilan upang dalhin sa sila sa pagamutan habang tumakas naman ang suspek.

Inaalam na ang dahilan ng alitan ng suspek at ni Quirino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply