1 patay, 2 nawawala matapos anurin ng ilog

NAMATAY isang menor de edad at dalawa pa ang nawawala matapos mag-swimming sa San Mateo River sa Rizal ang 14 na magkakaibigang teenager kaninang umaga.

Naiahon ang bangkay ng biktima na si John Jalani, 14-anyos habang hindi pa nakikita sina Ernest Pereño, 13-anyos, at Mark Christopher alyas Kikoy, 16.

Ayon kay Teddy Apeladas, head ng San Mateo Search and Rescue team, mga taga-Litex Road sa Quezon City ang magkakaibigan at pumunta sa lamay ng kanilang kaibigan sa Phase 4, Urban sa San Mateo nang magkayayaang maligo sa ilog bandang alas-7:30 ng umaga.

Ani Apeladas, nabatid na naligo sa malalim na bahagi ng ilog ang magkakaibigan nang pulikatin ang isa sa kanila. Tinangkang tulungan ng mga kaibigan ang pinupulikat na kaibigan pero tinangay sila ng malakas na agos.

Nailigtas naman ang 11 sa magkakaibigan kabilang ang magkapatid na Marvin at Melvin Chaleko; Nicole Gonzaga, 13 anyos; Lisa May Almeres, 14; Rosalie Palaganas, 13; Ignacio Konta, 18; Wilbert Miguel, 16; Jericho Arcilla, 12; Bonbon Papellera; Daisy Morja; at isang alyas “Buboy” na nasa pangangalaga na ng San Mateo Police.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply