1 patay, 2 sugatan sa road mishap

PATAY sa aksidente ang isang lalaki habang kritikal naman ang kondisyon ng isa sa dalawang angkas nito nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang 10-wheeler truck sa Camarines Sur kaninang umaga.

Dead on arrival sa Bicol Medical Center ang biktimang si Ronald Zamora ng St. Paul Subdivision, Palestina bayan ng Pili sa lalawigan ng Camarines Sur.

Sugatan naman ang kasama nitong si Jonathan San Juan habang nasa kritikal na kondisyon si Sixto Magtarayo na lulan din ng motorsiklo.

Boluntaryo namang sumuko sa pulisya at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at two counts ng serious physical injury ang driver ng truck na si Roberto Florendo, 39, ng Binaliw, Calabanga, Camarines Sur.

Sa salasaysay ni Florendo, bigla na lamang umanong gumewang-gewang ang motorsiklo ng mga biktima bago sumalpok sa harapan ng kanyang minamanehong trak.

Ayon naman sa imbestigasyon ni PO1 Gil Guban, naputol umano ang kadena ng motor ni Zamora dahilan upang mawalan ito ng kontrol at bumangga sa trak. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply