1 patay, 22 sugatan sa sumabog na granada

NABALOT ng tensiyon ang pagdiriwang ng ika-55 taong anibersaryo ng Carmen, North Cotobato nang umalingawngaw ang isang malakas na pagsabog kagabi (Nobyembre 14).

Batay sa ulat ng awtoridad, sumabog ang isang granada sa Brgy. Poblacion na sanhi ng pagkamatay ng isang lalaki na kinilala sa pangalang Joseph Tumeldin  at pagkakasugat ng 22 iba pa.

Ayon sa inisyal na report  ni Chief Inspector Jordan Maribojo, hepe ng Carmen PNP, inihagis ng ‘di pa kilalang lalaki ang isang granada sa isang tahanan sa Brgy. Poblacion na malapit naman sa isang carnaval.

Gumulong umano ang granada sa mga nag-uumpukang tao sanhi ng pagkamatay ni Tumilden  at pagkakasugat ng iba pa.

Kasalukuyan namang nagpapagaling sa Kabacan at Kidapawan City Hospital ang mga sugatang biktima.

Naitala ang pagsabog sa bisperas ng pagdiriwang ng kapistahan ng Carmen at sa bisperas ng kaarawan ni town mayor na si Roger Talino. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply