1 patay, 6 sugatan sa van na nahulog sa bangin

NAGKADURUG-DUROG ang isang van nang mahulog sa malalim na bangin na nagresulta sa pakamatay ng isang katao at pagkakasugat ng anim na iba pa sa Natonin, Mountain Province.

Batay sa ulat tinatahak ng van na minamaneho ni Joel Latiga ang mataas na lugar sa Sitio Umanub-ob, Barangay Banawel nang magloko umano ang makina kaya nawalan ito ng kontrol sa manibela at mahulog sa bangin.

Agad namatay ang isang nagngangalang Rita Wansi habang naisugod naman sa ospital sina Sergeant Jonathan Salam, Ernesto Sakang, Donald Galing at tatlong iba pa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply