1 patay, 14 sugatan sa ‘caterpillar ride’

NAMATAY ang isang lalaki habang 14 ang sugatan matapos magkaaberya ang “caterpillar ride” sa peryahan kagabi (Nobyembre 9) sa Karuhatan, Valenzuela City.

Naipit sa riles ng “caterpillar ride” at nabasag ang bungo ni Neil Rapols matapos humampas ang ulo nito sa bakal nang tumilapon ang sinasakyang caterpillar.

Isinugod naman sa mga pagamutan ang 14 na sugatan kabilang ang ilang menor de edad.

Batay sa imbestigasyon bandang alas-9:45 ng gabi, nakasakay sa “caterpillar ride” si Rapols at dalawa nitong anak nang kumalas ang mga turnilyo na humahawak sa bagon na sinakyan ng mga biktima.

Tumilapon ang bagon at tinamaan ang iba pang biktima na nanonood lamang sa “caterpillar ride”.

Tumakas naman ang may-ari at operator ng “caterpillar ride” na nakilala lamang sa mga pangalang “Bong” at “Arnel.”

Pinaghahanap ng awtoridad ang may-ari nito na responsible sa naganap na aksidente. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply