1 patay sa typhoid fever sa Leyte

ISA na ang naitalang patay dahil sa sakit na typhoid fever sa bayan ng Barugo, Leyte.

Dahil dito, nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang local health officials sa nasabing bayan kung saan nakitaan umano ng simtomas ng naturang sakit ang batang biktima na pinaniniwalaaang pangalawa na ito sa namatay sa naturang sakit.

Una nang nagkaroon ng typhoid fever outbreak sa limang bayan sa nasabing probinsya kaya naman naalarma ang Department of Health (DOH) sa insidente.

Ayon sa DOH, kabilang umano sa naitalang may mataas na bilang ng nagkasakit ng typhoid fever ang bayan ng Carigara, Jaro, Capoocan ,Tunga at Barugo.

Nabatid na mahigit 300 katao na ang natamaan ng nasabing sakit sa mga nabanggit na bayan.

Nilinaw naman ng DOH-8 na kanila pang inaalam kong typhoid fever nga ang sanhi ng pagkamatay ng dalawang biktimang bata.

Inaasahan namang ilalabas bukas (Nobyembre 11) ang resulta ng lab test sa isinagawang water sample ng Carigara Metropolitan Water District na siyang pinaghihinalaang sanhi ng outbreak.

Patuloy naman ang panawagan ng DOH na ugaliing magpakulo ng inuming tubig at maging malinis sa kapaligiran para maiwasan ang anumang uri ng sakit. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply