1-Utak: I-boycott ang mga abusadong oil companies

I-BOYCOTT ang mga abusadong kumpanya ng langis at magkaisang bumili lamang sa mga makataong kumpanya.

Ito ang iginiit ng isang transport group upang makahirit ang sektor ng magandang presyo sa mga ito at mahinto ang pag-abuso sa pagtataas ng presyo kapag naramdamang wala nang tumatangkilik sa kanilng produkto.

Sa kabila ng pangangailangan ng transport sector na magtaas ng pasahe dahil sa sunud-dunod na pagtataas din ng presyo ng langis, hiniling ng transport group 1-Utak sa mga grupo ng PUJ  na huwag nang tangkilikin ang mga kumpanya ng langis na mabilis magtaas ng presyo kapag nagtataas ang presyo sa pandaigdigang merkado at mabagal namang mag-rollback kapag  bumababa .

Ayon kay Atty. Vigor Mendoza, pinuno ng transport group 1-Utak, ang P2 dagdag pasahe na petisyon ng sektor ay magagamit hindi lamang para makaagapay sa pagtataas ng krudo. Magagamit din ito para maisaayos ng mga operator ang kanilng mga sasakyan, mabawasan ang polusyon at maitaguyod ang kaligtasan sa mga kalsada.

Ang sanhi umano ng pagtataas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin ay ang langis, ayon sa transport sector,  at ang pwersa na may kakayahang tapatan ang mapang-abusong mga kumpanya ng langis ay ang sektor ng transportasyon. Ang magagawa umano ng sektor ay ang magkaisa at puwersahin ang mga kumpanya na lumapit at makipag-usap sa sektor ng transportasyon.

Nanawagan din ang sektor na huwag patulan ang mga promotional gimmicks ng mga kumpanya ng langis na pinagtatawanan lamang ang mga drayber at operator matapos sumali sa kanilng mga promosyon.

Kung ang 400,000 PUJ ay tatangkilik lamang ng isang kumpanya ng langis na makatuwiran ang presyo ay mag-iiba ang sistema ng “fuel-pricing” sa bansa, dagdag pa ng tagapagsalita  ng  1- Utak . Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply