10 arestado sa pagpapasipsip ng krudo

ARESTADO ang 10 katao kabilang na ang isang kapitan ng barko sa isinagawang operasyon ng Special Operations Group (SOG) ng Iloilo City Police Office (ICPO) at Philippine Coast Guard (PCG-Iloilo) station dahil sa iligal na pagpapasipsip (siphon) ng krudo.

Ang mga naaresto ay nakilalang Roy Ligoton, kapitan, at crew nito na si 3rd Engr. Froctuso Yap Jr, mga crew ng bangkang kinargahan ng pinaihing krudo na sina Dan Otokan, Rodolfo Balis, Robert Ligwar, Ricky Reyes, Steve Reyes, Rafael Kho, Rodrigo Platigue at Eugene Gallo.

Ayon sa nakarating na ulat kay PCG Lt. Commander Algier Ricafrente,  ang MV Cement Carrier 1 ay nakaangla umano sa karagatan sa pagitan ng Iloilo at Guimaras  mula sa Cebu nang mahuli  ng pinagsanib na puwersa ng nasabing mga ahensya.

Nabatid na narekober ng mga awtoridad ang  mahigit 30 drum  na krudo na ibinawas ng mga suspek sa  barko kung saan ito umano ay nagkakahalaga ng P300,000.

Maari naman kasuhan ang mga tripulante ng kasong theft ay bribery dahil sa tangkang panunuhol sa head ng SOG na si SPO1 Stephen Siblag sa halagang P100,000.

Ayon kay Ricafrente, mahigpit ang kampanya ng ahensya laban sa pagpapa-siphon ng krudo dahil naibebenta umano ito sa mas murang halaga. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply