10 trucks nasunog sa Pasig

UMABOT sa sampung truck ang nasunog sa magkatabing kompanya ng mga truck sa lungsod ng Pasig kaninang madaling araw, Nobyembre 14.

Nag-umpisa ang sunog bandang 1:51 ng madaling araw sa compound ng Real Time Movers na matatagpuan sa Evangelista Street, Santolan sa nasabing lungsod.

Nasunog dito ang limang truck ng nasabing kompanya at limang truck pa ang nadamay na nasunog sa katabing trucking company na “Load’Em Up”.

Nadeklarang fire-out ang sunog bandang alas 3:00 na ng madaling araw.

Umabot naman sa 30 pamilya ang apektado ng sunog na kinabibilangan ng mga pamilya ng mga truck drivers.

Patuloy pang inaalam ng Bureau of Fire Protection kung saan nasimula ang sunog. May posibilidad umanong nagsimula ito sa barracks o di kaya sa canteen ng mga empleyado.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply