100 barangay sa Capiz apektado ng baha

UMABOT na sa 100 barangay ang lumubog sa tubig-baha sa lalawigan ng Capiz kahit tumigil na ang ulan.

Sa  record ng PDRRMC, 11 sa 16 na bayan sa Capiz ang binaha matapos umagos sa 1st district ang malaking volume ng tubig mula sa 2nd district.

Lubog na sa tubig baha ngayon ang limang  barangay sa bayan ng Panay, anim sa Pontevedra dalawa rito ay hindi na madaanan habang isang barangay naman sa Maayon na nasa 1st district.

Napag-alaman na hindi pa rin humuhupa ang tubig sa mga palayan sa 21 barangay sa Sigma, maging sa 26 na barangay sa Mambusao.

Patuloy rin ang pananalanta ng baha sa 12 barangay sa bayan ng Jamindan at sa anim na barangay sakop ng Dao Capiz.

Samantala, wala nang baha sa bayan ng Dumalag, Sapian at Cuartero.

Tinatayang nasa  1,451  pamilya ang naapektuhan ng kalamidad habang para sa mga magsasaka sa nasabing mga bayan, panibagong pasanin na naman ito dahil hindi pa sila nakababangon sa pinsala sa palayan noong nakalipas na buwan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply