100 pasahero nasagip sa tumaob na motorbanca

MAY 100 pasahero ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos na tumaob ang sinasakyang motorbanca sa Hilutungan Island at Cordova, Cebu kaninang madaling araw.

Sa ipinarating na ulat kay PCG Spokeperson Lt. Commander Algier Ricafrente ni Philippine Coast Guard (PCG-7) Station Commander Rolando Lizor Punzalan, Jr., papunta na sana sa lungsod ng Cebu ang MV  RD Express mula sa Kalituban Island, Talibon Bohol ng mangyari ang insidente.

Agad namang nakapagresponde ang mga tauhan ng PCG nang matanggap ang report na may tumaob na motorbanca sa lugar at may sakay na 100 katao.

Ayon kay Ricafrente, dakong alas-8:00 kagabi nang maglayag ang motorbanca sa lalawigan ng Bohol at dadaong na umano sana ito sa Pasil Fish Port, Cebu ngayong umaga.

Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang pangyayari.

Iniimbestigahan pa ng PCG ang dahilan sa pagtaob ng naturang motorbanca dahil sinasabing maaliwalas naman ang panahon nang maganap ang insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply