11-11-11 ordinaryong araw lang – SSAS

PINAYUHAN ng Space Science and Astronomy Section (SSAS) na huwag bigyan ng masamang kahulugan ang petsa, buwan at taon na pumatak ngayong araw.

Ayon kay Dario dela Cruz ng SSAS, ordinaryong araw lamang ang 11-11-11 o November 11, 2011.

Binigyang diin ni dela Cruz na maaaring nabigyan ng ibang kahulugan ang 11-11-11 dahil nasabay ito sa kabilugan ng buwan.

Tinawag namang “apophenia” phenomenon ni sociologist Clifford Sorita ang mga usapan sa magkakaparehong numero ng petsa.

Sinabi ni Sorita na ang mga tao lamang ang nagbibigay ng mga haka-haka sa phenomenon dahil bibihira itong nangyayari. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply