12 bayan apektado ng baha sa Capiz

UMABOT na sa 12 bayan ang apektado na sa baha sa lalawigan ng Capiz.

Ayon kay Mr. Esperidion Pelaez ng Capiz Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, halos 151 ng barangay ang nasasalanta ng naturang baha.

Nasa 3,418 na pamilya ang apektado kung saan ang pinakamarami ay nagmula sa tatlong mga sumusunod na bayan: 1,517 pamilya ang nagmula sa bayan ng Pontevedra; 1,450 naman mula sa bayan ng Sigma at 405 naman sa bayan ng Dao.

Habang ilan sa mga apektadong mga barangay sa 12 bayan ay ang mga sumusunod: Mambusao na may 26, Sigma 21, Dao 20, Panit-an 18, Maayon 15, Panay 13, Jamindan 12, Pontevedra 9, Dumalag 7, Dumarao 4 at tig-tatlo naman sa mga bayan ng Sapian at Cuartero.

Ekta-ektarya ng mga pananim ang nalubog sa naturang kalamidad.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply