13 akusado sa PNP ghost project noong 1992, guilty–S’bayan

GUILTY ang naging hatol ng Sandiganbayan sa 13 sa 16 na akusado sa umano’y Philippine National Police (PNP) ghost project noong 1992.

Base sa desisyon ni Justice Rolando Jurado, chairperson ng Sandiganbayan Fifth Division, hinatulang guilty ang 13 akusado sa kasong paglabag sa “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” habang naabsuwelto naman ang tatlong iba pang akusado.

Ang mga hinatulang guilty ay sina Chief Superintendent Everlino Nartatez, Senior Superintendent Alejandro Espiritu Jr., Superintendent Obedio Espeña, Superintendent Alejandro Camello, Chief Inspector Jose de Vera, Chief Inspector Adolfo Pamplona Sr., Senior Inspector Llyod Cawan, Senior Inspector Leo Marzan at PO3 Ramon Lihay-lihay.

Apat naman sa mga hinatulang guilty ng korte ay sumakabilang buhay na tulad nina dating PNP Chief Cesar Nazareno, SPO4 Ernesto Pillado Senior at mga sibilyang sina Tomas Flores at Belinda Adesentario.

Maliban sa pagkabilanggo ng anim hanggang sampung taon, ay pinagbabayad din ang mga hinatulan ng halos P40 milyon.

Hindi na rin sila maaaring makapagtrabaho sa anumang tanggapan ng gobyerno.

Ang kaso ay may kinalaman sa umano’y ghost project sa PNP nang hindi mai-deliver ang mga combat boots at uniporme ng pulis na nagkakahalaga ng mahigit P38 milyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply