13-anyos, 2 beses ginahasa ng ka-textmate

CAMP GENERAL ALEJO S. SANTOS, City of Malolos, Bulacan – Hindi akalain ng 13-anyos na dalagita na kapahamakan ang idudulot sa kanya ng pakikipagkita sa 28-anyos na “ka-text mate” matapos dalawang beses siyang gahasain nito sa isang construction site.

Sa ulat na natanggap ni P/Supt. Fernando Mendez Jr., Provincial Director, Bulacan Police Provincial Office (BPPO), nailigtas ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang “Ramona” ng Barangay Pagala, Baliuag, mula sa kamay ng suspek na si Vicente Doller Untado, alyas Vincent, construction worker, tubong Ormoc at pansamantalang nagtatrabaho at nakatira sa Barangay Pagala, Baliuag.

Sa salaysay ni Ramona, November 13, alas-11 ng umaga nang i-text siya ng suspek para imbitahing pumunta sa baracks ng ginagawang bahay kung saan nagtatrabaho ito bilang laborer dahil may sasabihin aniyang importanteng bagay.

Ngunit pagdating ng biktima sa naturang lugar ay ikinulong siya at sapilitang ginahasa ng suspek mula alas-3 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Ayon naman sa pulisya, na-rescue lamang ang biktima bandang 9 ng gabi matapos na dumulog ang nag-aalalang ina nito sa security guard ng Prominenza Subdivision at Baliuag PNP station na siyang nagsagawa agad ng paghahanap sa loob ng naturang subdivision kung saan natagpuan ang takot na takot na biktima sa baracks ng suspek.

Naaresto naman agad ang suspek na sinampahan na ng kasong 2 counts of rape in relation to RA 7610.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply