13-anyos dalagita ginilitan ng mga kawatan

DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang isang dalagita makaraang gilitan ng hindi nakilalang mga suspek, habang kritikal ang isa pang kasama nitong bantay sa pangasinan sa ulat ng pulisya kanina.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame,  napatay si Mira Fe Berciles, 13, habang nasa kritikal namang kondisyon si Bienvinido Caliboso, 31, parehong residente ng Brgy. Cabanbanan sa bayan ng Manaoag, Pangasinan.

Nabatid na isinagawa ang pagsalakay bandang 5:15 ng hapon nang pasukin ng tatlong hindi pa nakikilalang mga lalaki ang bahay na binabantayan ng dalawa para pagnakawan subalit pinilit ng mga biktima na manlaban.

Walang awang ginilitan ng mga suspek ang dalagita bukod pa sa dalawang saksak na inabot habang nagtamo naman ng limang saksak si Caliboso.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng awtoridad para malaman ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply