13-anyos kritikal sa rambulan

AGAW buhay ngayon ang isang 13-anyos na bagets matapos itong saksakin at suntukin ng isang binatilyo sa naganap na rambulan kagabi (Nobyembre 9) sa Taft Avenue sa Malate, Maynila.

Ginagamot sa Ospital ng Maynila ang biktimang si John Kenneth Briones, residente ng Cadena de Amor St. ng nasabng lugar.

Pinaghahanap naman ng pusliya ang suspek na si James, ng Alley 4 1925 A. Ma. Orosa St. Malate, Maynila.

Ayon sa Manila Police District-Police Station 9, nagkasalubong umano ang grupo ng biktima at suspek sa lugar na umano’y mayroon ng matagal na away.

Nagkaroon muna ng komprontasyon ang dalawang grupo bago nagsuntukan hanggang saksakin ni James si Briones ng isang matulis na bagay sa tiyan, dahilan para isugod ito sa nasabing pagamutan.

Mabilis namang nagsipulasan ang grupo ng suspek nang makitang duguan na ang biktima.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at paghahanap sa grupo ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply