13 di nagbabayad ng buwis kinasuhan ng BIR

SINAMPAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kaninang umaga ang 13 indibidwal dinaya ang gobyerno sa kanilang tax remittances.

Ikinasa ang 4- counts ng tax evasion, 12 counts ng pagpalyang magsampa ng quarterly income tax return, at 4-counts ng pagpalyang magsampa ng annual income tax returns laban sa Bulacan gold trader na si Virgilio Ocampo.

Ayon sa imbestigasyon ng BIR na nagbenta si Ocampo ng refined gold sa Bangko Sentral ng Pilipinas noong 2005 hanggang 2008 na nagkakahalaga ng P1.121 bilyon.

Gayunman, hindi ito nagsampa ng kanyang quarterly at annual Income Tax Returns para sa taxable years 2005 hanggang 2008, at hindi rin nagbayad ng kanyang income taxes due sa kaparehong taxable years.

Si Ocampo ay may-assessed deficiency income taxes na P804.42 milyon, hindi pa kasama ang surcharges at interests, na hinati sa mga sumusunod: P101.64 million noong 2005; P218.23 milyon noong 2006; P244.72 milyon noong 2007; at P239.83 milyon noong 2008.

Samantala, nagsampa rin ng kriminal na kaso laban sa heirs o tagapagmana ni Gavino Vinluan ng Pangasinan sanhi ng 2 counts ng tax evasion, 1 count sa pagpalyang magsampa ng Capital Gains Tax (CGT) return, at 1 count ng pagpalyang magsampa ng Documentary Stamp Tax (DST) Return.

Kabilang sa mga tagapagmana ay sina Pilar Gonzales, Purita Canto, Federico Vinluan, Ramon Vinluan, Salvador Vinluan, Conchita Calvo, Hernando Vinluan, Gavino Vinluan, Heremias Vinluan, Socorro Gabionza, Israel Vinluan at Estrella Santiago.

Lumabas sa imbestigasyon ng BIR na si Gavino Vimluan ay namatay noong February 4 1949.

Naiwan nito ang 2 identified properties at landholdings, wala namang estate tax return ang naisampa nang ito ay namatay.

Noong Agosto 28, 2009, nag-execute ang mga tagamagmana ng isang “Deed of Extrajudicial Partition among Heirs with Sale” sa pag-convey ng 2 parcels ng lupa sa Brgy. Bolo, Labrador, Pangasinan na may sukat na 358,966 square meters.

Sa kasamaang palad, hindi nila nabayaran ang required taxes para sa kanilang ari-arian.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply