13 measles cases naitala sa Metro Manila

NAGBABALA sa publiko ang Department of Health (DOH) laban sa sakit na tigdas (measles) matapos makapagtala ng 13 bagong laboratory confirmed cases nito sa Metro Manila.

Kinumpirma ni Center for Health Development – Metro Manila Regional Director Eduardo Janairo na sa kabila nang isinagawa nilang Nationwide Measle  Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA) mula Hulyo 1 hanggang Setyembre 26, 2011,  nakapagtala na sila ng mga bagong kaso ng naturang sakit.

Batay sa ulat, kabilang sa mga lugar na may kumpirmadong kaso ng tigdas sa National Capital Region (NCR) ay Mandaluyong  (2), Muntinlupa (1), Parañaque (3), Quezon City (5) at Taguig (2).  Karamihan sa mga kinapitan ng sakit ay mga batang nasa edad 1 hanggang 5 lamang.

Nauna rito, naglunsad ang DOH ng nationwide door-to-door MRSIA campaign mula Abril 4 hanggang Mayo 4, 2011 para mabakunahan laban sa tigdas ang mga batang may edad 9 na buwan hanggang 8  taong gulang at mapigilan ang pagkalat ng  measles virus, gayundin ang posibleng large measles outbreak na maganap sa bansa.

Ani Janairo, mababa naman ang naging measles immunization coverage sa Metro Manila at umabot lamang sa 19 porsiyento ng total eligible population ang nabakunahan at 81% ang hindi nabakunahan, dahilan para marami pa ring bata ang tamaan ng sakit.

Kaugnay nito, kaagad na ipinag-utos ni Janairo ang masusing monitoring ng mga kaso at inatasan ang pagamutan, health facilities at health workers na agad na iulat ang mga hinihinalang kaso ng regional office para mabigyan ng agarang aksiyon at mapigilan ang pagkalat ng measles case sa mga tukoy na lugar.

Ikinalungkot ni Janairo na may mga nasasawi pa rin sa measles gayung maaari namang maiwasan at libre ang bakuna nito.

Iginiit pa nito na dapat na magbigay ng araw-araw na immunization ang health centers at hindi naka-schedule lamang dahil may mga magulang  na hindi nakapupunta sa health centers sa araw ng Miyerkoles para pabakunahan ang mga anak.

Ang tigdas ay isang impeksiyon sa respiratory system na sanhi ng rubella virus.

Hindi tulad ng polio at dengue, ang measles ay walang strain ngunit nakakahawa at itinuturing na year-round threat.

Ilan sa sintomas nito ay lagnat, ubo, runny nose, red eyes at skin rash. Maari itong makahawa sa pamamagitan ng respiration tulad ng contact sa mga fluids na mula sa ilong at bibig ng taong may sakit nito o di kaya’y sa pamamagitan ng air transmission.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply