14 estudyante ng PUP nalason sa fried rice

NABIKTIMA ng food poisoning ang 14 na estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) dahil sa kinaing “sinangag” sa canteen ng unibersidad sa Sta. Mesa, Manila kahapon (Nobyembre 23).

Base sa ipinarating na ulat ni P/Supt. Frumencio Bernal, station commander ng MPD-Sta. Mesa Police Station 8 kay P/Sr.Supt. Alejandro Gutierrrez, acting district diirector, mag-aala-una kahapon nang ipabatid sa kanilang opisina na 14 na estudyante ang isinugod sa UERM Hospital dahil sa food poisoning.

Lumitaw sa report ng pulisya na ang mga estudyante na hindi na binanggit ang pangalan ay bigla na lamang umanong  nagsuka at nakaramdam ng pagkahilo at panghihina habang kumakain ng tanghalian sa loob ng canteen ng unibersidad.

Agad na ipinaalam ito sa kanilang school doctor na si Dra. Michael Mallari, na nagrekomenda namang dalhin na lamang ang mga biktima sa kalapit na pagamutan.

Ayon sa UERM, positibo umanong nalason ang mga estudyante ng kontaminadong pagkain, pero hindi pa batid kung ang fried rice talaga ang dahilan ng pagkalason ng mga biktima. Gayunman, ayon sa mga biktima, na tanging ang fried rice lamang ang alam nilang dahilan ng pananakit ng kanilang tiyan.

Matapos masuri, mapa-inom ng gamot at umayos ang kondisyon ay pinauwi na sila ni Dr. John Salvania, ng ER-AMBU, duty surgeon at Dr. Paula David, upang sa bahay na lamang ituloy ang gamutan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply