14 na bebot, iligal na pupuslit pa-Malaysia, nahuli

INARESTO ng Marine Battalion Landing Team 12 (MBLT12) ang 14 na babae na iligal sanang papasok sa bansang Malaysia sa pamamagitan ng pagdaan sa backdoor ng Pilipinas.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Ruby Ann Dela Cruz, 25, mula Babay, Tibag, Tarlac City; Angeline Villanueva, 20, mula Pandacaque, Mexico, Pampanga; Sarah Tarayo, 27, Kalayaan, Pasig City; Marilyn Dela Cruz, 21, Cabanatuan City; Julie Mateo, 24, San Antonio, Nueva Ecija; Jennifer Paernia, 26, South Comembo, Makati City; Princess Doce, 20, Sucat, Muntinlupa City; Nerissa Castro, 25, Angeles City; Dernalisa Castro, 26, Fairview, Quezon City; Liza Balceda, 24, Angeles City; Mary Jane Cortez, 31, Arayat, Pampanga; Lady Lee Buan, 20, Cut-Cut, Angeles City;  Beverly Miclat, 24, Angeles City at Mattarasak Gani, taga-Brooke’s Point, Palawan na nagsilbing guide.

Ayon kay Lt. Col. Omar Tonsay, director ng Naval Public Affairs Office, ang pagkakahuli sa mga nabanggit ay bunsod ng natanggap nilang inpormasyon na may mga kababaihan na nakatakdang dumaan sa backdoor ng Pilipinas patungong North Mangsee, Malaysia.

Nadiskubre ng mga awtoridad na walang mga kaukulang dokumento ang nahuli na iligal sanang papasok sa Malaysia.

Dahil dito, agad na kumilos ang grupo ng MBLT 12 sa Mangsee kasama ang isangg barangay captain na si Pistoh Hamjah upang iberipika ang nasabing impormasyon.

Nang makumpirma na positibo ang impormasyon ay agad na dinakip ang mga kababaihan kung saan 13 dito ay pinaniniwalaang biktima ng human trafficking.

Dinala na ngayon ang mga nahuli sa AFP Western Command (WESCOM) Hospital upang isailalim sa medical examinations at debriefing bago sila i-turn over sa proper authorities.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply