15-anyos estudyante todas sa gulpi sa QC

PATAY ang isang estudyante makaraang pagtulungang gulpihin ng tatlong hindi pa nakilalang kabataan sa Quezon City kagabi.

Namatay noon din sa lugar ng insidente si Earl Bryan Gelon, 3rd year high school student ng 23 Aster St., West Fairview, QC dahil sa pagkakabugbog sa kanyang katawan.

Ayon sa ulat ni SPO1 Jaime Jimena ng Quezon City Police District–Criminal Investigation and Detection Unit, naganap ang insidente dakong 9:26 ng gabi kagabi sa gilid ng TMS Dialysis Center sa kahabaan ng Lot 32, Block 83 Regalado Avenue, North Fairview, QC.

Ayon sa saksing si Eduardo Noces, security guard, naglalakad siya nang makita ang biktima na tila may kinakausap sa cellphone at lapitan ng tatlo ring kabataan na pawang naka-t-shirt at naka-shorts bago pinagtulungang gulpihin hanggang sa humandusay bago iniwan.

Dahil dito mabilis na tinawag ng witness ang mga barangay tanod sa lugar na agad namang rumesponde pero hindi na nila inabot nang buhay ang biktima.

Ayon sa mga tanod at pulis, hindi na rin nila nakita ang sinasabing cellphone ng biktima na pinaniniwalaang tinangay ng mga suspek sa kanilang patakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply