15 tripulanteng Pinoy pinalaya ng Somali pirates

MAKARAAN ang mahigit na pitong buwan, pinalaya na ang 15 Filipino crewmembers na kasama sa na-hijack ng Somali pirates noong nakaraang Abril.

Batay sa ulat ng Ocean USLive.org, ang may-ari ng Rosalia D’Amato, ang barko ay pinalaya na makaraang maayos ang kanilang napagkasunduan.

Nabatid na ang barko ay naglalayag patungong Oman nang kubkubin ng mga pirata. Ang barko umano ay lulan ang anim na Italian at 15 Pinoy pero hindi pa umano batid ang kondisyon ng mga pinakawalang bihag.

Nabatid na habang hawak ng mga pirata ang barko, lima sa mga crew ay iniulat na dumanas ng high blood pressure at ipinagpilitan ng may-ari ng barko na mabigyan ng gamot ang nagkasakit na tripulante.

Wala naman natanggap na ulat kung nagbayad ng ransom ang may-ari ng barko kaya pinalaya ang barko pati na ang mga tripulante.

Batay sa report ang Somali pirates ay kinubkob ang Rosalia D’Amato noong Abril 21 habang naglalayag sa Indian Ocean at patungo sa pantalan ng Bandar Imam Khomeini, Iran mula sa Brazil. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply