16 na pilgrims todas sa stampede sa India

NAMATAY ang 16 na pilgrims matapos na magka-stampede sa isang Hindu ceremony sa Northern India.

Maliban dito, mahigit 50 iba pa ang nasugatan sa nasabing insidente.

Ayon sa report ng Associated Press, nagsimula ang stampede nang madulas at mahulog ang mga debotong nakapwesto sa bandang gilid ng Ganges River na naging dahilan para magtulakan ang mga kapwa nila deboto na nasa hulihan.

Taun-taon ay libu-libong Hindu ang bumibisita sa Haridwar, India para maligo sa Ganges River dahil sa paniniwalang ang ritwal na  ito ay nakapaglilinis ng kanilang kasalanan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply